
Nagpahayag ng pagsuporta ang iba’t ibang grupo ng mga magsasaka mula sa mga major rice-producing areas sa bansa para sa pagbabalik ng inalis na kapangyarihan ng National Food Authority (NFA).
Kabilang ang mga magsasaka sa lalawigan ng Isabela sa mga nagpahayag na panahon na upang rebisahin ang Rice Tariffication Law (RTL).
Ayon sa Roxas Isabela Rice Farmers Association (RIRFA), panahon na upang amyendahan ang RTL upang protektahan ang mga rice farmer laban sa mga mapagsamantalang rice trader.
Naniniwala si Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel na malaki ang maitutulong ng pagbabalik sa regulatory powers ng NFA sa pagtatakda ng floor price sa palay upang mabawi ng mga rice farmer ang kanilang gastos sa produksyon.
Sakaling maibalik ang regulatory powers ng NFA, maisasaaayos ang listahan ng mga magsasaka at ng mga trader, at madali nang ma-mo-monitor ang presyuhan sa aning palay.