Wednesday, June 3, 2026

Pilipinas, magpiprisinta ng venue na pagtatayuan ng regional stockpiling para mapanatili ang matatag na suplay ng petrolyo sa ASEAN region—DOE

Nakahandang magprisinta ang Pilipinas ng mga lugar sa Pilipinas na puwedeng pagtayuan ng regional stockpiling facilities para mapanatiling matatag ang suplay ng petrolyo sa ASEAN region.

Ayon kay Department of Enery (DOE) Secretary Sharon Garin, mahalaga ang pagtatayo ng stockpiling facilities sa bansa para maging handa rin ang Pilipinas na tumulong sa ibang bansa kapag kinapos ng suplay ng langis.

Aniya, may mga lugar na silang nakikita sa bansa na puwedeng pagtayuan ng pasilidad.

Sa ilalim ng Partnership on Wide Energy and Resources Resilience Asia (POWERR Asia), susuportahan ng bansang Japan ang Pilipinas sa Strategic Petroleum Reserve (SPR) Program.

Kabilang dito ang pag-develop sa bagong stockpiling facilities na dadaan sa feasibility studies, capacity building at technical cooperation.

Sa Pilipinas, sinabi ni Garin na mahalagang magkaroon ng stockpiling system para hindi magkaroon ng kakulangan ng langis lalo na kapag mayroong oil crisis sa buong mundo.

Facebook Comments