Ika-apat na magkasunod na araw na higit 4,000 na bagong kaso ng COVID-19, naitala ng DOH kahapon

71

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 4,621 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon.

Ito na ang ika-apat na magkakasunod na araw na nakapagtala ng higit sa 4,000 na bagong kaso ng sakit.

Dahil dito ay umabot na sa 37,805 ang aktibong kaso ng COVID-19 mula sa 37,344 na naitala noong Sabado.


Pumalo naman sa 3,705,343 ang bilang ng gumaling sa sakit habang nadagdagan ng 18 ang nasawi sa virus dahilan umakyat sa 60,807 ang death toll ng bansa sa COVID-19.

Facebook Comments