Hahabol sa huling araw ng local absentee voting (LAV) ang ilan pang pulis na hindi pa nakakaboto.
Sa datos ng Philippine National Police (PNP) partikular sa National Headquarters sa Camp Crame, 958 sa 1,471 pulis ang bumoto na (61.52%) habang sa mga regional offices naman, 11,891 sa 19,752 ang nakaboto na (60.2%)
Sa kabuuan, mahigit 21,000 pulis mula sa iba’t ibang rehiyon ang kalahok sa tatlong araw na local absentee voting para sa 2025 midterm elections.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Randulf Tuano, mula sa 24,848 na aplikante, 21,223 lang ang inaprubahan ng Commission on Elections (COMELEC) dahil sa mga isyung gaya ng double voting, hindi rehistrado, o kulang sa dokumento.
Target ng PNP na makaboto ang lahat ng kwalipikadong pulis bago matapos ang LAV ngayong araw, April 30, 2025.