
Labis ang pasasalamat ng mga estudyante sa pamahalaan dahil sa napakalaking diskwento sa pasahe ng mga sasakay sa lahat ng linya ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT).
Kaninang umaga ay inilunsad ng Department of Transportation o DOTr ang programa para sa lahat ng mga estudyante.
Sa panayam ng DZXL Manila kay Christian Simon, estudyanteng nakapagrehistro at first time na mag-a-avail ng 50% discount malaking tulong ito lalo na’t hirap din siya sa pagba-budget sa pamasahe lamang.
Sakaling makapasa aniya sa kanyang exam sa University of Santo Tomas (UST) ay araw-araw na siyang sasakay sa LRT-2 para pumasok.
Malaki aniya ang matitipid niya sa 50% discount at puwede niya itong gamitin sa iba pang gastusin.
Sa computation ng DOTr, nasa ₱34 ang matitipid ng mga estudyante sa pagbiyahe nila sa isang araw.
Katumbas ito ng ₱170 kada linggo o nasa ₱680 kada buwan.