
Nanawagan ang ilan sa ating mga kababayan na huwag alisin sa puwesto ang mga miyembro ng gabinete na nagtatrabaho naman nang maayos sa kanilang departamento.
Ito’y kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magsumite ng courtesy resignation ang mga gabinete ng pamahalaan.
Sa panayam ng RMN Manila kay Marcy Feliz at Michael Trevas, dapat daw umanong tingnan ng Pangulo kung nararapat pang manatili sa posisyon ang mga gabinete.
Kung sakali man daw na hindi nagagampanan ng mga ito ang kanilang tungkulin ay dapat na talagang palitan.
Samantala, ayon din sa ating nakapanayam pabor sila sa panawagan ni PBBM na mag-courtesy resignation ang lahat ng miyembro ng gabinete para magbigay daan sa ‘recalibration’ upang matukoy kung sino sa mga gabinete ang totoong nagtatrabaho at naglilingkod sa mamamayan.