PNP, tiniyak na hindi mapo-promote o maililipat ng deployment ang mga tiwaling pulis

Siniguro ng liderato ng Philippine National Police (PNP) na wala nang pagbabalik sa serbisyo, paglilipat ng destino at promosyon sa mga tiwaling pulis.

Ayon kay PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil, kapag napatunayang sangkot sa anumang uri ng katiwalian ang isang pulis, hindi na ito maaaring ibalik sa dati nitong unit.

Sa halip, ilalagay ito sa Personnel Holding and Accounting Unit ng PNP hanggang sa tuluyang magretiro.

Nilinaw rin ni Marbil na ang PNP ay hindi isang “rehabilitation center” at hindi na uubra ang paglilipat-lipat ng mga tiwaling pulis.

Bahagi ito ng pinaigting na internal cleansing campaign ng Pambansang Pulisya na layong ibalik ang tiwala ng publiko sa kanilang hanay.

Maaalalang una nang inatasan ni Marbil si PNP Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. upang pangunahan ang pagpapatupad ng mga internal reforms sa organisasyon.

Facebook Comments