
Magkatuwang na ininspeksyon ng Department of Transportation at Civil Aviation Authority of the Philippines ang ilan sa mga paliparan sa Visayas region.
Kabilang dito ang Ilo-ilo International Airport at ang Bohol-Panglao International Airport.
Ito ay upang siyasatin ang mga terminal at pag-usapan ang mga kinakailangang rehabilitasyon at pagpapalawak sa mga binisitang paliparan.
Nais isulong ng DOTr ang pagbuo ng mga panrehiyong paliparan upang mapabuti ang accessibility at mapahusay ang paglalakbay sa himpapawid at mas madaling mapuntahan ng mga tao ang mga airport na makatutulong nang husto sa paglago ng ekonomiya sa Visayas.
Facebook Comments