Nanatiling nasa 170 hanggang 180 pesos kada kilo ang presyo ng bangus sa Dagupan City sa kabila ng mataas na suplay mula sa mga fishpen.
Ayon sa City Agriculture Office, nasa 30 hanggang 40 porsyento ng suplay ng Bangus Dagupan ang napupunta sa buong Region 1 at maging sa karatig na mga rehiyon.
Ipinatutupad din ng lungsod ang ordinansa sa pag-regulate ng pagpasok ng bangus mula sa ibang lugar upang maprotektahan ang lokal na suppliers at vendors.
Patuloy rin ang operasyon laban sa mga iligal na fishpen sa lungsod.
Samantala, inaasahang aabot sa 5,000 kilo ng bangus ang ihahanda para sa Kalutan ed Dalan.
Patuloy namang mino-monitor ng lokal na pamahalaan ang presyo ng iba pang produktong agrikultura sa lungsod.
Facebook Comments







