Ilang grupo at indibidwal kabilang si Congressman Arnolfo Teves Jr., idineklarang terorista ng Anti-Terrorism Council

Opisyal nang idineklara ng Anti-Terrorism Council o ATC na nasa ilalim ng Office of the President ang ilang indibidwal at grupo bilang mga terorista.

Kabilang sa mga idineklarang terorista ay ang Hafida Romato Maute at Nahara Khairiya Sittie Hamim ng Maute Group, at maging si Congressman Arnolfo Teves Jr., at kanyang armadong grupo na tinaguriang “Teves Terrorist Group.”

Batay sa official statement ng ATC ang Teves Terrorist Group ay matagal na umanong nag-o-operate sa Negros Oriental partikular ang paggawa ng serye ng mga pagpatay, pang-aatake, pangha-harass na may intensyong sindakin ang mga mamamayan.


Facebook Comments