Ilang kumuha ng bar exam, na-disqualify dahil sa violations

Disqualified ang ilang kumuha ng bar exam ngayong taon dahil sa paglabag sa Honor Code.

Ayon kay Supreme Court Associate Justice at bar chairperson Marvic Leonen, ito ay makaraang makatanggap ang kanilang opisina ng mga report na ilang examinees ang hindi inamin na nagpositibo pala sila noon sa COVID-19.

Bukod dito, mayroon ding mga nagpuslit ng mobile phones sa loob ng examination rooms at gumamit ng social media habang lunch break.


Samantala, nasa 219 examinees naman ang hindi nakakuha ng bar exams matapos na magpositibo sa virus.

Sa kabuuan, nasa 11,378 law graduates ang kumuha ng exam sa unang araw nito noong Biyernes at magtatapos ang ikalawang araw mamayang bago mag alas-6 ng gabi.

Facebook Comments