
Bilang pag-alala sa pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas noong 2015, naka-display sa main building ng University of Santo Tomas o UST ang ilang memorabilia nito.
Ang mga naka-display na gamit ay nagmula sa museo ng UST at UST archives.
Ilan sa mga naka-display sa exhibit ang ginamit na upuan ni Pope Francis noong ito’y magmisa sa Quirino Grandstand.
Bukod pa rito, naka-display rin sa exhibit ang naisuot na ID ng unibersidad, guest book at ballpen noong ito ay bumisita sa UST.
Ayon kay Micha Lagniton ng UST Office of Public Affairs, ang exhibit ay nagsimula noong Abril 22 at tatagal hanggang Sabado, Abril 26.
Bukas naman ay magkakaroon naman ng University-wide Mass for Pope Francis ang unibersidad.
Facebook Comments