Pinalalakas ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang ang pakikipag-ugnayan sa mga non-government organizations (NGOs), civil society organizations (CSOs), at pribadong sektor upang higit na mapahusay ang mga programang nagtataguyod ng kaligtasan at kapakanan ng kababaihan at mga bata.
Isa sa mga pangunahing hakbang na isinulong ay ang panukalang Memorandum of Agreement (MOA) na magbibigay-daan sa mas malawak na capacity-building activities at mas matibay na koordinasyon ng iba’t ibang sektor sa pagpapatupad ng mga programang pangproteksiyon para sa mga nasa vulnerable sector.
Kasabay nito, tinalakay rin ang pag-update ng Comprehensive Children’s Welfare Code ng bayan, pagbuo ng Executive Order para sa Local Council for the Protection of Children (LCPC) at Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC), gayundin ang mga polisiya at resolusyong magpapalakas sa mga umiiral na programa ng lokal na pamahalaan.
Ibinahagi rin sa pulong ang mga pinakahuling update kaugnay ng Child-Friendly Local Governance Audit (CFLGA) 2026, resulta ng LCPC 2026 assessment, at First Quarter Accomplishment Report ng LCPC at LCAT-VAWC para sa Enero hanggang Marso 2026.
Ayon sa lokal na pamahalaan, mahalaga ang aktibong partisipasyon ng iba’t ibang sektor upang matiyak ang epektibong pagpapatupad ng mga polisiya at programang nagsusulong sa karapatan, kapakanan, at seguridad ng kababaihan at mga bata sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








