Ilang pasaherong patungo ng Samar at Leyte, nahihirapan sa sistema at paglipat sa light vehicle para makatawid ng San Juanico Bridge

“Hassle,” ‘yan ang reklamo ng ilan sa ating mga kababayan sa bagong sistema ng pagdaan sa San Juanico Bridge.

Ito’y kasunod ng isinasagawang retrofitting at rehabilitation dahil nga nakikitaan ng pagrupok itong tulay sa tagal na panahon na ring ginagamit.

Nagsisilbi kasi itong daanan ng mga pasahero sa Visayas at Mindanao.

Sa panayam ng RMN Manila kay Sara Dionisio, nahihirapan sila sa paglipat-lipat ng sasakyan lalo pa’t may mga bagaheng dala-dala.

Struggle rin para sa mga pasaherong may bitbit namang bata sa kanilang biyahe.

Samantala, tiniyak naman ng pamunuan ng bus company na bukod sa shuttle na alok ng pamahalaan ay mayroon din silang shuttle na nagpapalitan sa pagsakay at pagbaba ng bus.

Paglilinaw ni Melchor Damang, ticketing officer na walang dagdag na bayad ang pagsakay sa shuttle.

Samantala, kahit pa na ganito naman ang sitwasyon ngayon sa isasagawang pagkukumpuni ay mas mabuti na anila ito para matiyak na safe pa itong gamitin ng mga biyahero.

Facebook Comments