
Ikinatuwa ng grupong MANIBELA ang mabilis na aksyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa kanilang petisyong ₱10 minimum fare increase
Kinumpirma ni MANIBELA Chairman Mar Valbuena na nakatanggap na sila ng abiso na pinadadalo sila sa hearing sa petisyon ng grupong PISTON.
Gayunman, ayon kay Valbuena, may hiwalay silang petisyon na ihahain sa LTFRB.
Inatasan na mismo ni LTFRB Chairman Vigor Mendoza II ang legal division na iproseso na ang petisyon ng grupong PISTON.
Kung maaprubahan, magiging ₱23 na ang minimum fare increase mula sa kasalukuyang ₱13.
Duda naman si Liga ng Transportasyon (LTOP) President Ka Lando Marquez na mapagbigyan ang hirit na ₱10 taas sa pasahe.
Aniya, kung ang pisong inaprubahang taas pasahe ay binawi pa ay malabong maibigay.










