Tuesday, May 5, 2026

VPSD, hindi na nabigla sa desisyon ng Appeals Chamber ng ICC sa isyu ng hurisdiksyon sa kaso ni FPRRD

Tanggap ni Vice President Sara Duterte ang naging desisyon ng Appeals Chamber ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng hurisdiksyon nito sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ambush interview sa The Hague, The Netherlands, sinabi ni VP Sara na matagal na nilang inaasahan na hindi bibitiw ang ICC sa kaso laban sa dating pangulo.

Bunga nito, nakatutok na aniya ngayon ang legal team ng dating Pangulong Duterte sa paghahanda sa trial.

Facebook Comments