
Inalis na ng Department of Agriculture o DA ang “import ban” sa mga produktong baka at iba pang hayop na mula sa Germany.
Kasunod ito ng naging deklarasyon ng European Union na ligtas na mula sa banta ng foot-and-mouth disease (FMD) ang naturang bansa.
Inisyu ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., ang Memorandum Order no. 29 kung saan nakasaad na ang Germany ay maikukunsiderang FMD-free na.
Dahil dito, ang posibilidad ng kontaminasyon at panganib mula sa pag-aangkat ng mga hayop at mga produktong mula sa mga ito ay maliit na lamang.
Maalalang ipinataw ng DA ang temporary ban noong Pebrero matapos i-report ng Germany ang mga kumpirmadong kaso ng FMD sa kanilang mga alagang buffalo sa Hoppegarten.
Ang abiso ay isinumite sa World Organization for Animal Health noong Enero.
Ang pag-alis ng ban ay hudyat na rin ng potensyal na pagbabalik ng mas malawak na kalakalan sa mga hayop sa pagitan ng Pilipinas at Germany.