
Hinikayat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga Pilipino na patuloy na ipaglaban ang ating karapatan sa West Philippine Sea (WPS).
Sa mensahe ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG sa WPS, hinimok nito ang mga Pinoy na alalahanin ang pagbubuwis ng buhay ng ating mga bayani nang ipaglaban ang kasarinlan.
Ayon kay Tarriela, ang paghihimagsik at pagtindig laban sa pang-aapi ng mga dayuhan ang dahilan kung bakit nagkaroon ng kalayaan sa ating mga karagatan, kalangitan, at kalupaan na bumubuo sa kasalukuyang bansang Pilipinas.
Kaya kahit gaano aniya kalayo ang WPS mula sa mga tahanan ay dapat alalahanin na bahagi ito ng bansang ipinaglaban ng ating mga ninuno.
Obligasyon aniya ngayon ng mga Pilino na siguruhin na mananatiling buhay ang laban para sa WPS hanggang sa mga susunod na henerasyon.