
Ipinasara na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang Davao Ohayou Language Training and Skills Institute (Davao Ohayou) sa Davao City matapos mapatunayang sangkot sa illegal recruitment.
Batay sa imbestigasyon ng DMW, ang Davao Ohayou ay nag-aalok ng mga trabahong caregiver, food manufacturer, at food service crew sa ilalim ng programang Seasonal Service Worker sa Japan, bagamat hindi ito awtorisadong mag-recruit ng trabaho patungong abroad.
Ayon pa sa DMW, ang Davao Ohayou ay naniningil ng ₱20,000.00, at enrollment fee na ₱2,000.00 sa mga aplikante.
Inaakit pa anila nito ang mga aplikante sa pamamagitan ng pagpapanggap na may koneksyon sa mga lehitimong recruitment agencies at foreign employers.
Ang mga opisyal ng nasabing kumpanya ay nahaharap sa kasong large-scale illegal recruitment at isasama na rin sila sa List of Persons and Entities with Derogatory Record ng DMW, na magbabawal sa kanila na muling ano mang recruitment activity.
Irerekomenda rin ng DMW ang pagsasawalang-bisa ng kanilang registration sa Securities and Exchange Commission (SEC) at ang pagbawi ng kanilang accreditation sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).