DOJ, patuloy na sinisikap na mapauwi na sa Pilipinas si dating Cong. Teves

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na hindi nila tatantanan si dating Negros Oriental Congressman na si Arnolfo Teves Jr. sa kabila ng patuloy nitong apela roon sa Timor Leste kung saan siya namamalagi.

Sa ambush interview, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi matapos-tapos ang apela ni Teves na tinututulan ang extradition nito pabalik sa Pilipinas.

Sa kabila niyan, sinabi ni Remulla na handa siyang bumalik sa naturang bansa kung kinakailangan para mag-follow up at makipag-usap sa mga opisyal.


Aminado naman ang kalihim na hindi pa hinog ang justice system ng naturang bansa lalo na’t wala pa silang Korte Suprema.

Umaasa naman ang DOJ na hindi na mababaliktad pa ang desisyon ng Court of Appeals doon na muling kinakatigan ang pagpapauwi kay Teves.

Ang dating kongresista ang itinuturong utak ng pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam pa noong 2023.

Facebook Comments