
Umabot na sa 29 na validated election-related incidents (ERI) ang naitala ng Philippine National Police (PNP) at Commission on Elections (Comelec).
Sa ambush interview sa Kampo Krame kanina kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, sinabi nito na maliban sa 29 na ERI, may 12 hanggang 15 insidente pang iniimbestigahan ang Pambansang Pulisya kung saan pinakamarami rito ay mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
Sa ngayon, inaantabayanan pa ng Comelec ang 300-page report ng regional offices ng PNP na kinakailangan pang aprubahan ng Regional Joint Security Command Center para malaman kung ilan ang casualties sa mga beripikadong election-related incidents.
Facebook Comments