ISABELA POLICE PROVINCIAL OFFICE, NAGSAGAWA NG AWARDING CEREMONY KAUGNAY SA SELEBRASYON NG WOMEN’S MONTH

Pinangunahan ni Acting Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office PCol. Julio R. Go ang awarding ceremony, ngayong araw, Marso 2022 sa IPPO Grandstand.

Binigyang parangal ang mga kababaihang pulis mula sa Provincial Community Affairs and Development Unit (PCADU) at Provincial Administrative and Resource Management Unit bilang pagkilala sa kanilang galing, husay at dedikasyon sa kanilang mga trabaho na may malaking ambag sa hanay ng kapulisan sa lalawigan ng Isabela.

Kasabay ito ng pagdiriwang ng National Women’s Month na may temang “Agenda ng Kababaihan Tungo sa Kaunlaran.”

Dumalo rin sa nasabing aktibidad si Sangguniang Panlungsod Member Margaret Uy Chin bilang Guest of Honor and Speaker.

Facebook Comments