Flights ng Cebgo, ililipat na sa NAIA 4 sa harap ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero

Epektibo sa March 28 ng taong ito ay ililipat na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4 ang lahat ng flights ng Cebgo, ang regional brand ng Cebu Pacific..

Ayon sa Cebu Pacific, ito ay bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng malaking volume ng mga pasahero ngayong summer season.

Kabilang dito ang flights ng Cegbo patungong Boracay, Camiguin, Cebu, Coron, Kalibo, Legazpi, Naga, Masbate, Siargao, Surigao, Tablas, Tuguegarao at Virac.


Pinapayuhan naman ang mga pasahero na magtungo sa NAIA 4, tatlong oras bago ang kanilang flight para sa pre-departure requirements.

Facebook Comments