
CAUAYAN CITY – Arestado ang isang lalaki dahil sa kasong pagpatay sa Brgy. Diego Silang, Diffun, Quirino.
Kinilala ang suspek na si alyas “Dingdong”, nasa tamang edad, may asawa, at isang magsasaka.
Ang pagkakaaresto sa supek ay dahil sa bisa ng mandamiento de arresto na inisyu ni Hon. Gina Lyn Rosal Rubio, Presiding Judge, RTC 28, Bayombong, Nueva Vizcaya kung saan walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng supek.
Matapos maaresto, dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa dokumentasyon.
Pinangunahan ng Diffun Police Station ang operasyon katuwang ang Quirino Provincial Intelligence Unit (QPIU), 1st Quirino Provincial Mobile Force Company (QPMFC), at Regional Intelligence Unit 2 (RIU2).
Facebook Comments