
Nagpadala ng surrender feeler ang isang retiradong heneral na kabilang sa iniuugnay sa multi-billion peso drug raid sa Maynila noong 2022.
Ayon kay Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Director PBGen. Nicolas Torre III, nagpahiwatig na itong sumuko at sinabing handa nitong harapin ang kaso laban sa kaniya.
Sinabi pa ni Torre na inaaasahang magpa-piyansa ang retiradong heneral pagdating ng Pilipinas dahil bailable ang kanyang kasong kinakaharap.
Sa ngayon, walo sa dalawampu’t siyam na wanted na pulis ang nananatiling at large kabilang na rito ang isa pang heneral na tinutunton din ng CIDG.
Facebook Comments