Isang senador, walang nakikitang problema kung tutugon ang Russia sa ating kailangang suplay ng langis at enerhiya

67

Walang nakikitang problema si Senator Francis Tolentino kung tatanggapin ng ating gobyerno ang alok ng Russia na pagtulong para mapunan ang kailangan nating suplay ng langis.

Sabi ni Tolentino, ito ay kahit pa inihayag ng Pilipinas sa United Nations General Assembly ang ating pagtutol sa ginagawang salakay ng Russia sa Ukraine.

Naniniwala si Tolentino na magkaiba naman ang sitwasyon pagdating sa ating pangangailangan sa enerhiya at sa ating pakikiisa sa iba pang miyembro ng diplomatic community.


Paliwanag ni Tolentino, dapat ay mabalanse ang pagtugon natin sa ating mga pangangailangan at ang pakikitungo natin sa iba pang mga bansa.

Facebook Comments