JAMILA RUMA, HINIRANG BILANG BAGONG ALKALDE NG RIZAL, CAGAYAN

CAUAYAN CITY – Sa edad na 21, opisyal nang nahalal si Jamila Ruma bilang bagong alkalde ng bayan ng Rizal, Cagayan sa katatapos na National and Local Election 2025.

Tinalo niya sina Ralph Mamauag at Florence Littaua sa pamamagitan ng 5,134 votes, kumpara sa 3,661 at 170 votes ng kanyang mga katunggali.

Si Jamila ang anak ng dating mayor na si Atty. Joel Ruma, na pinaslang habang nasa gitna ng kampanya. Matapos ang trahedya, siya ang humalili sa kandidatura ng kanyang ama at itinuloy ang laban para sa bayan.

Sa kanyang pahayag, nagpasalamat siya sa mga sumuporta at nangakong ipagpapatuloy ang pamumunong tapat at makatao. Kaagapay niya sa bagong tungkulin ang kanyang inang si Atty. Brenda Ruma, na nahalal din bilang vice mayor ng Rizal.

Nagtapos siya ng Development Studies sa De La Salle University-Manila, kung saan kinilala siya bilang consistent dean’s lister at tumanggap ng mga parangal sa akademya.

Si Jamila ngayon ang pinakabatang mayor sa buong bansa, patunay na ang kabataan ay may mahalagang papel sa pagbabago.

Facebook Comments