
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (PBBM) na pananagutin ng pamahalaan ang mga responsable sa anomalya sa mga infrastructure project, partikular sa flood control, habang pinabibilis ang mga hakbang para maprotektahan ang mga komunidad ngayong tag-ulan.
Ayon sa pangulo, mahalaga ang transparency at good governance sa pagtugon ng pamahalaan sa mga problema sa imprastraktura.
Kasabay nito, binigyang-diin ni Marcos ang kahalagahan ng malaya at responsableng pamamahayag upang mapanatili ang tiwala ng publiko at matiyak ang pananagutan ng mga nasa pamahalaan.
Hinimok din ng pangulo ang patuloy na paglaban sa fake news, disinformation at manipuladong content, kabilang ang mga materyal na nililikha gamit ang artificial intelligence (AI).
Facebook Comments










