Job fair na inilunsad ng PESO Muntinlupa at ng DZXL Radyo Trabaho, dinagsa

Dinagsa ng mga aplikante ang isinasagawang job fair ngayong araw sa Muntinlupa City katuwang ang DZXL Radyo Trabaho.

Karamihan sa nakapila ay ang mga aplikante sa bawat booth na nag-aalok sa nais nilang aplayan para sa mga Muntinlupeño.

Ayon kay Ms. Iyo Magboo, Labor Employment Officer ng PESO Muntinlupa ay nasa 91 out of 126 ang nag-confirm na kompanya na nag-aalok ng trabaho ngayon.


Sa kanilang ibinibigay na datos ay nasa bilang na 1,170 ang nag-register online.

Ang dumalo naman ng actual o face-to-face ay nasa 456 naman.

Dagdag niya ay nasa mahigit 4,000 ang bakanteng naghihintay na trabaho sa mga aplikanteng dadalo ngayong araw.



At sa mga dadalo pa sa job fair ay huwag kalimutan na mag-register sa kanilang ibinibigay na QR Code at magdala ng inyong mga updated resume.

Tatagal itong isinasagawang job fair hanggang mamayang alas-5:00 ng hapon.

Facebook Comments