Dating opisina ng isang recruitment agency sa Maynila, ipinasara ng DMW

Ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) ang dating opisina ng isang recruitment agency sa Ermita, Manila, matapos matuklasang ginagamit ito ng dating general manager ng kompanya na si Besilda Felipe, para sa illegal recruitment.

Ayon sa DMW, si Felipe, na natanggal sa kompanya noong Setyembre 5, 2024, at nag-aalok ito ng trabaho sa Middle East bilang heat ventilation and air conditioning technician.

Nangangako aniya ang suspek ng sahod na ₱30,000.00 hanggang ₱40,000.00, kada buwan.

Gayunman, nanghihingi ito ng processing fee na ₱200,000.00 hanggang ₱230,000.00 sa bawat aplikante, kahit wala siyang lisensya mula sa DMW.

Kakasuhan ng DMW si Felipe at ang mga kasamahan nito ng illegal recruitment, at isasama sa List of Persons and Entities with Derogatory Record.

Facebook Comments