Bagong sistema ng paghahati ng school year ang iimplementa ngayong nagbukas na ang klase kung saan susundin na ang 3-term calendar year, ayon sa abiso ng Department of Education (DepEd).
Handa na ang ilan sa paaralan tulad sa Dagupan City National High School para sa nasabing bagong school calendar.
Hindi tulad ng dati na nahahati sa apat na quarter ang school year, mabubuo sa tatlong term ang pag aaral ng mga bata kung saan June hanggang September and 1st term, September hanggang December ang 2nd term habang January hanggang March o April ang 3rd term.
Ayon kay School Principal, Willy Guieb, hindi pa rin naman mababawasan ang araw ng pagpasok ng mga estudyante at hindi rin mababago ang asignatura at curriculum.
Inaasahan na sa pagiimplementa nito ay magkakaroon ng mahaba-habang oras ng pagtuturo, bawas pagkaantala rin sa mga aralin, maayos na plano ng gawain at mabawasan rin ang work load ng mga guro. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







