Bukod sa Sinucalan at Marusay River, mahigpit ding binabantayan ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang ilog sa Camiling, Tarlac, dahil sa posibilidad na makaapekto ang pag-apaw nito sa ilang lugar sa Pangasinan.
Nasa above normal level na ang tubig sa sa naturang ilog, dahilan para manatiling alerto ang mga awtoridad sa posibleng pagtaas pa ng water level at pagbaha.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Pangasinan PDRRMO Head Vincent Chiu, partikular na binabantayan ang Mangatarem dahil tinatayang 10 hanggang 14 barangay ang maaaring ma-isolate kapag umapaw ang kailugan at maapektuhan ang mga daanan.

Sa ngayon, labis na nagdudulot ng malawakang pagbaha ang water level sa Sinucalan River at Marusay River, habang patuloy namang binabantayan ang Camiling River dahil sa potensyal na epekto ng pag-apaw nito sa mga lugar sa lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments