Kalihim ng DENR at DOST, maghahaghain na rin ng courtesy resignation

Maghahain ng kanyang courtesy resignation si Department of Environment and Natural Resources o DENR Sec. Maria Antonia Yulo-Loyzaga.

Ito ay matapos na ipag-utos ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang courtesy resignation ng lahat ng mga miyembro ng kanyang gabinete.

Ayon kay Secretary Loyzaga, siya ay nagsisilbi batay sa kagustuhan ni Pangulong Marcos at tiwala sa kakayahan ng Pangulo kung ano ang mas makabubuti sa bansa.

Samantala, nagsumite na rin ng kanyang courtesy resignation si Department of Science and Technology o DOST Secretary Renato Solidum.

Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Marcos sa lahat ng miyembro ng Gabinete.

Naniniwala si Solidum na sa ganitong paraan aniya ay makapagpapatupad ng reporma ang Pangulo upang maipagkaloob ang pinakamainam na serbisyo sa sambayanang Pilipino.

Facebook Comments