Mga kalihim ng DOH at DPWH, wala pang pahayag kung naghain na ng courtesy resignation

Wala pang inilalabas na pahayag ang Department of Health (DOH) kaugnay sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos na magsumite ng courtesy resignation ang kaniyang mga gabinete.

Sa ngayon, hinihintay pa ang statement ni Health Secretary Ted Herbosa at kung nagsumite na rin ito ng kaniyang formal notice of resignation.

Nauna nang naghain nito ang ilang miyembro ng gabinete alinsunod sa hiling ng pangulo.

Bukod sa DOH, wala pa ring pahayag ang Department of Public Works and Highways kung nagsumite na ng resignation si Secretary Manny Bonoan.

Facebook Comments