KAPITAN, GURO AT TATLONG IBA PA SA MAPANDAN, HULI HABANG ILIGAL NA NAGSUSUGAL

71

MAPANDAN, PANGASINAN – Nahulian ng baril ang isang barangay kapitan habang naaresto naman ang isang teacher at tatlong iba pa sa ikinasang anti-illegal gambling operation sa Brgy. Lambayan.

Kinilala ang nahuling kapitan na si Juanito Lamsen Viray Jr. ng Brgy Bisal, Manaoag. Kasama rin na nahuli ang teacher na si Joel Ungos Laguisma at tatlong iba pa.

Naaktuhan ng mga operatiba ang lima na naglalaro ng lucky 9 sa nasabing lugar.

Nakumpiska ng awtoridad ang isang set ng baraha at pusta na 27,550 pesos.

Nakuha naman sa kostodiya ni kapitan Viray ang isang caliber 9mm na baril, magazine at 13 bala dahil wala itong naipakitang permit to carry.

Ang mga nabanggit ay nasa kustodiya na ng Mapandan Police para sa wastong disposisyon. | ifmnews



Facebook Comments