
Nagtungo sa Commission om Elections (COMELEC) ang tatlong indibidwal na sinasabing tatlong witness sa inihain petition for disqualification laban sa mag-asawang Ramil at Ruth Hernandez ng Laguna.
Ito’y para maghain ng withdrawal sa inihaing petisyon ni Celito Baron.
Ayon kay Atty. Kenneth Beo, niloko ang tatlo para pumirma sa dokumento para makapaghain ng petisyon si Baron laban sa nasabing mag-asawa.
Muling iginiit ng tatlo, na hindi nila alam na sila pala ang gagawing witnesses kung saan inabutan na lamang sila ng pera.
Huli na ng malaman nila na sa balita na ginawa silang witness kung saan wala silang kinalaman sa mga alegasyon ni Baron.
Ito na ang ika-pitong indibidwal na nagtungo sa COMELEC para i-withdraw ang kanilang mga petisyon lalo na’t nagagamit lamang sila usapin ng politika.