Nasa 3,785 pamilya sa Bayambang ang kasalukuyang nakatala bilang aktibong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
Kasabay nito, sinusubaybayan ang compliance ng mga benepisyaryo sa mga kondisyong nakapaloob sa programa, kabilang ang turnout para sa Periods 3 at 4.
Tinalakay rin ng mga kinauukulang tanggapan ang mga accomplishment ng 4Ps mula Agosto hanggang Setyembre 2026, pagpaparehistro ng mga bagong benepisyaryong pamilya, at mga concern na nangangailangan pa ng koordinasyon at aksyon.
Kasama rin sa pinag-usapan ang kalagayan ng Sustainable Livelihood Program o SLP at iba pang serbisyong maaaring ma-access ng mga kwalipikadong benepisyaryo para sa kanilang kabuhayan.
Ang 4Ps ay conditional cash transfer program ng pamahalaan na nagbibigay ng tulong sa mga kwalipikadong pamilyang mahihirap, kapalit ng pagsunod sa mga itinakdang kondisyon kaugnay ng kalusugan at edukasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣












