TREE-HUGGING CAMPAIGN, ISINAGAWA SA IBA’T-IBANG BAHAGI NG REGION 1

Isinagawa sa iba’t-ibang bahagi ng Ilocos Region ang Tree Hugging Campaign ng Department of Environment and Natural Resources bilang pagpapahalaga sa kalikasan kasunod ng pagdiriwang ng Valentine’s Day.

Naniniwala ang DENR – Forest Management Bureau na nagkakaroon ng magandang epekto sa kalusugan at mental health ng isang indibidwal ang pagyakap sa puno base na rin sa ilang pag-aaral.

Ilan sa mga puno na tampok sa Tree Hugging Hugging Activity ay mangrove, acacia, higanteng Kupao o Dao Trees sa San Fernando City, La Union maging ang makasaysayang Bangar Tree sa Natividad, Pangasinan na nakatayo sa loob ng 250 taon.

Nagpaalala naman ang tanggapan sa mga hindi dapat gawin tulad ng open burning upang maiwasan ang insidente ng forest fire. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments