Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbubukas ng VITRO Sta. Rosa ngayong araw.
Ito ang kauna-unahang AI-ready hyperscale data center sa bansa na idinisenyo para suportahan ang mga global technology leaders sa larangan ng cloud computing at artificial intelligence (AI).
Inaasahang magsisilbing sentro ang VITRO Sta. Rosa ng data storage, processing, at connectivity para sa mga negosyo at institusyong nangangailangan ng malakihang digital capacity.
Ang VITRO ay pagmamay ari ng ICT holding company ng PLDT group na may direktang koneksyon sa kanilang subsea cable network na umaabot sa Asya, Estados Unidos at Europa.
Sa pagbubukas ng naturang pasilidad, inaasahang mapagtitibay nito ang posisyon ng Pilipinas bilang pangunahing digital gateway sa buong mundo.
Mahalagang hakbang rin ito sa pagpapalawak ng digital infrastructure ng Pilipinas, kasabay ng pagpapakita sa kahandaan ng bansa na tugunan ang lumalaking global demand para sa cloud at AI services, habang itinatampok ang Pilipinas sa mga technology investors bilang strategic hub para sa digital expansion.