Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglulunsad ng Rice Processing System II Facility na may isang multi-stage rice mill at apat na recirculating dryers sa Misamis Oriental.

Ayon kay Pangulong Marcos, inaasahang mapapataas nito ang milling recovery rates mula sa kasalukuyang 55% patungo sa 58% hanggang 65%.

Sa tulong din aniya ng nasabing teknolohiya, bababa ang post-harvest losses ng halos 32,000 metriko tonelada kada taon na katumbas ng mahigit ₱541 milyon na kita ng mga magsasaka.

Dahil dito, naniniwala si Pangulong Marcos na lalong mapapabuti ang kalidad ng bigas, mapapataas ang kita ng mga magsasaka, at magiging madali ang produksyon.

Tiniyak din ng pangulo na bawat lugar sa bansa na kilalang rice producing areas ay magkakaroon ng rice processing plant para hindi na mahihirapan pa na dalhin ng mga magsasaka ang kanilang palay.

Facebook Comments