Kylie Versoza, wagi ng Best Actress sa DIAFA 2022

Wagi ng Best Actress si Kylie Versoza sa Distinctive International Arab Festival Awards (DIAFA) 2022 na ginanap sa Dubai, UAE nitong Sabado.

Ito ay para sa kanyang pagganap sa pelikulang “The Housemaid” kung saan kasama niya ang ilang batikang aktor gaya nina Albert Martinez, Jaclyn Jose at Alma Moreno.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng Miss International 2016 ang isang video kung saan makikita siya suot ang elegant black gown at masayang itinataas ang kanyang trophy.


Para kay Kylie, “dream come true” ang natanggap niyang award at masaya raw siya na muling katawanin ang Pilipinas.

Samantala, ang “The Housemaid” ay Philippine adaptation ng isang Korean film na may kaparehong title.

Congratulations, Kylie!

Facebook Comments