Labi ng middleman sa Percy Lapid case, dumating na sa Tacloban

Naiuwi na sa Tacloban ang mga labi ni Jun Villamor, ang sinasabing middleman sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Alas-6:48 kagabi nang lumapag sa Tacloban DZR Airport ang eroplanong lulan ang labi ni Villamor.

Magsasagawa ng tatlong araw na burol para kay Villamor ang pamilya nito.


Si Villamor ay bilanggo sa Bilibid sa Muntinlupa City.

Namatay siya noong Oktubre 18, ilang oras lang matapos na lumutang ang self-confessed gunman na si Joel Escorial.

Batay sa ikalawang autopsy na isinagawa ng forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun, lumalabas na nasawi si Villamor dahil sa asphyxia sa pamamagitan ng platic bag suffocation.

Taliwas ito sa resulta ng autopsy report na iniulat ng Bureau of Corrections kung saan wala umanong foul play at natural causes ang ikinamatay ng middleman.

Facebook Comments