Upang mapaigting ang pagbabantay Kontra African Swine Fever (ASF) sa La Union nakatakdang itayo ang Swine Artificial Insemination Training Center na sumusuporta sa kanilang Swine Multiplyer Farm.
Ayon kay Provincial Veterinarian Dr. Domingo Calub III,Ang pagpapatayo ng naturang pasilidad ay isa lamang sa mga proyekto na target ma-ilunsad upang mapabuti ang agri-vet industry partikular sa swine at meat processing sa lalawigan.
Matatandaan na sinabi ng Department of Agriculture Region 1 na nasa 353 na hog raisers ang apektado ng ASF sa lalawigan matapos sumailalim sa culling operation ang kanilang mga alagang baboy.
Nakatakda namang tumanggap ng tulong ang mga ito ng indemnification.
Kaugnay nito, patuloy ang paghihigpit ng tanggapan sa mga dokumento ng mga pumapasok na baboy mula sa ibang probinsya upang mapigilan ang muling hawaan ng ASF sa lalawigan.
Samantala, inaasahan ring maipapatayo ang Meat Processing Center upang masiguro ang kalinisan ng mga kinokonsumong karne ng mga residente ng probinsiya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨