Isinagawa kamakailan ang pagpupulong ng Regional Peace and Order Council (RPOC) sa La Union.
Sentro ng naganap na pulong ang pagtitiyak sa patuloy na pagpapanatili ng kaayusan, kaligtasan at kapayapaan sa Ilocos Region ngayong taon.
Tinalakay ang pagpapaigting sa mga hakbangin lalo na sa mga natukoy na key areas pagdating sa mas pinalakas na seguridad at mga public safety measures, maging ang pagkakaroon ng coastal security.
Inilatag din ng mga member agencies tulad ng Philippine National Police, Philippine Drug Enforcement Agency, Armed Forces of the Philippines, at Bureau of Fire Protection ang kanilang mga plano at aksyon, maging mga kinakailangang paghahanda ng bawat hanay.
Tiniyak ng Ilocos Region RPOC na tututukan ang mga isyung may kinalaman sa peace and order ng rehiyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments