
Dumating na sa Villamor Air Base, Pasay City ang labi nina Major Jude Salang-oy at 1st Lieutenant AJ Dadulla.
Sila ang dalawang pilotong nasawing makaraang bumagsak ang sinasakyan nilang FA-50 fighter jet habang nagsasagawa ng night tactical operation laban sa New People’s Army (NPA) sa Bukidnon noong Martes.
Mula sa Lumbia Airport Cagayan de Oro, ang kanilang mga labi ay sakay ng C-130 plane na dumating dito ng alas-3:00 nang hapon.
Ginawaran ng full military honors ang dalawang piloto dahil sa kanilang pagbubuwis ng buhay para bansa.
Ayon sa Philippine Air Force (PAF), si Major Salang-oy at 1Lt. Dadulla ay binigyan ng Distinguished Aviation Cross, ang pinakamataas na karangalan na binibigay sa PAF highest honors for the Air Force.
Iprinisenta ni Special Assistant to the President Secrelary Antonio Lagdameo Jr., Defense Secretary Gilberto Teodoro, PAF Commanding General Lieutenant General Arthur Cordura ang parangal sa pamilya ng dalawang piloto.
Matapos naman nito ay magsasagawa ng prayer vigil sa Villamor Airbase at Basa Airbase Pampanga para kina Salang-oy at Dadulla.