Pinagtibay ang deklarasyon ng Sangguniang Bayan ng Mangaldan sa isang session noong August 11, batay sa resulta ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA).
Ayon sa Municipal Agriculture Office (MAO), umabot sa P13.5 milyon ang tinatayang kabuuang halaga ng nasira sa mga pananim dahil sa nararanasang panahon.
Samantala, iniulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na lahat ng barangay sa Mangaldan ay apektado na.
Batay naman sa ulat ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), tinatayang 34,077 pamilya o 119,270 indibidwal ang direktang naapektuhan ng habagat.
Inihayag sin ng lokal na pamahalaan sa publiko na isinailalim sa State of Calamity ang buong bayan para mapabilis ang pagtugon at pagbibigay ng ayuda sa mga apektadong residente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







