MGA PATAKARAN SA TERMINAL, MULING IPINATUPAD SA BAYAMBANG

Naging sentro ng talakayan ang mga isyu at suliraning kinakaharap ng mga tricycle operator at driver sa isinagawang pulong ng TODA Federation kasama ang Bayambang Public Safety Office (BPSO) at Task Force Disiplina (TFD) sa Bayambang.

Ayon sa ulat, muling iginiit ng mga awtoridad ang mahigpit na pagpapatupad ng mga umiiral na alituntunin sa terminal.

Tinalakay rin sa pagpupulong ang iba’t ibang usaping may kinalaman sa araw-araw na operasyon ng mga tricycle, kabilang ang mga hamon na nakaaapekto sa kabuhayan ng mga operator at driver.

Isinagawa ang aktibidad para maiparating ng mga miyembro ng TODA ang kanilang mga mungkahi sa transport sektor ng bayan.

Ayon sa lokal na pamahalaan, mahalaga ang patuloy na koordinasyon sa pagitan ng TODA Federation, BPSO, at TFD para matugunan ang mga suliranin ng sektor. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments