SIYAM NA SASAKYAN, NAGKARAMBOLA SA ILOCOS SUR;3 PATAY 9 SUGATAN

Tatlo ang nasawi habang siyam na katao ang sugatan matapos araruhin ng isang SUV ang walong sasakyan sa kahabaan ng national highway sa Brgy. San Nicolas, Candon City, Ilocos Sur.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, diretsong bumulusok ang SUV sa mga kasalubong na mga motor, tricycle at tatlo pang kotse at nadamay pa ang isang lolo na tatawid lang sana nang mangyari ang insidente.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mga biktima at naitakbo sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival ang pasahero ng SUV at dalawang motorista.

Lumalabas sa imbestigasyon na nakainom ang driver ng SUV nang mangyari ang insidente. Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments