Lalaking nagpanggap na pulis, arestado matapos tangkaing kikilan ang isang furniture shop sa bayan ng Natividad

Patong-patong na kaso ngayon ang kinakaharap ng dalawa katao matapos nilang looban ang isang furniture shop at nag panggap na pulis ang isa pa sa bayan ng Natividad sa Pangasinan.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Erwin Buenabente at Ramil Domingo, samantalang ang biktima ay ang furniture owner na si Emy Norberte.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) na pumasok sa pwesto ng biktima ang mga suspek kung saan ay nagpakikalang isang police lieutenant si Domingo na naka-assign sa Baguio City.


Dito na hinihingian ng ₱3,000 kada linggo ang biktima bilang proteksiyon sa negosyo nito.

Agad naman itong itinawag sa PNP kung saan ay naabutan pa na nasa pwesto ang mga ito at nang berepikahin ng PNP ay natuklasang hindi pala lehitimong pulis si Domingo.

Agad silang inaresto at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga ito.

Facebook Comments