Sabon na gawa sa stainless steel, effective raw na pang-alis ng kumapit na amoy ng sibuyas at bawang

22

Amerika – Mabilis kumapit sa kamay ang amoy ng sibuyas, bawang at iba pang malalansang pagkain, ang problema, mahirap itong alisin.

Kaya naman isang stainless steel na hugis sabon ang inilabas ng American-based company na Amco.

Para maalis ang masasangsang na amoy, maghugas lang ng kamay gamit ang stainless steel soap bar.

Paliwanag ng Amco, may mataas na sulfur at nitrogen compound ang metal IOS ng stainless steel na epektibo raw na nakakaalis ng mga hindi kaaya-ayang amoy.

Mabibili sa halagang walong dolyar ang kada piraso ng stainless steel soap bar na katumbas naman ng 400 piso.

Facebook Comments